Sunday, November 10, 2013

Bakit?

Alam ko minsan, madalas natin maisip. Bakit napaka unfair ng buhay? Parang pinagtitripan tayo at nanadya pa. Yung gustong gusto mong tao, gusto yung iba. Yung ayaw mo naman may gusto sa'yo. Pakshet, bakit di na lang magtugma ang feelings niyo? Hahaha. Sasabihin ng iba, hindi kayo meant to be. Pero wala kang magawa kasi siya talaga gusto mo. Kahit anong gawin mong iwas at limot, siya pa rin ang gusto mo. Lahat na ng panget sa kanya tinitingnan mo, ma turn-off ka lang pero ang nangyayari mas lalo mo siyang nagugustuhan. Tangina diba? Hahaha. Matatawa ka na lang sa sobrang mapagbiro ng kapalaran mo.